Ano ang apat na sangkap ng katapangang moral? Ano ang Apat na Sangkap ng Katapangang Moral? 1. Paninindigan sa Katotohanan - Ang isang tao na naninindigan sa kung ano ang totoo ay nagpapakita ng katapangan sa moral. Hindi siya gagawa ng anumang bagay na makapipinsala sa katotohanan. 2. Pagpipigil sa Sarili - Kinakailangan ng matatag na disiplina upang magawa ang pagpipigil sa sarili. 3. Takot/Pag-ibig sa Diyos - Hindi gagawa ang isa ng isang bagay na labag sa utos ng Diyos kung natatakot siya at umiibig ng masidhi sa Maylalang. 4. Katapatan - Ang taong matapat ay taong matapang. Anuman ang mangyari ay hindi siya magsisinungaling. Para sa higit pang impormasyon, pakisuyong tingnan ang mga link sa ibaba. brainly.ph/question/314063 brainly.ph/question/1395975 brainly.ph/question/1320451
Kahalagahan ng oras kahalagahan ng oras Ang oras ay mahalaga sa taong may pangarap at nagsusumikap sa buhay subalit ito ay walang saysay sa mga taong nakahinto lamang. Kahalagan ng Oras Nakatutulong upang mabigyan ng atensyon ang bawat gawain sa pamamagitan ng matalinong paggamit nito. Nagbibigay daan para makagawa ng mga bagay para sa mithiin sa buhay. Marapat lamang ng matalinong pagpapasya sa haba ng gamit nito. Nagsisilbing gabay upang matukoy ang mga bagay na dapat na gawa na. Para sa karagdagang impormasyon: brainly.ph/question/271209 brainly.ph/question/686789 brainly.ph/question/506826
Ipinakikita ng batas na ito ang kahalagahan ng papel na ginagampanan ng mga NGO at PO. anong batas na ito? Ang Republic Act 7160 o mas kilala sa tawag na LOCAL GOVERNMENT CODE OF THE PHILIPPINES ay ang batas na nagpapalakas sa mga Lokal na Pamahalaan. Ito ay naisabatas noong taong 1991 . Ang pagkakasabatas ng LGC of 1991 ay binago nito ang hatian ng kapangyarihan sa pagitan ng Pambansang Pamahalaan at ng Lokal na Pamahalaan . Dahil rito, nabigyan ng mas malawak na kapangyarihan ang mga lider ng mga Lokal na Pamahalaan at nabigyan ng pwesto ang mga Civil Society Organizations (CSOs), Nongovernmental Organizations (NGOs) ay Peoples Organizations (POs) para sa pakikilahok sa mga gawaing politikal. Isa sa mga halimbawa ng Politikal na Pakikilahok ay ang BOTTOMS UP BUDGETING (BUB), kung saan nabibigyan ng pagkakataon ang mga CSOs, NGOs at POs na sumali sa pagpaplano sa budget ng Lokal na Pamahalaam. Narito ang ilang link tungkol sa kung ano ba ang politikal na pakikilahok? ...
Comments
Post a Comment