Talasalitaan Ng Kabanata 32 Sa El Filibusterismo
Talasalitaan ng kabanata 32 sa el filibusterismo
Answer:
Kabanata 32 – Ang Bunga ng mga Paskil
Talasalitaan
- Bilangguan – piitan, bilibid, kulungan
- Bitayan – entablado kung saan binibigti ang mga kriminal
- Hukom – tagahatol
- Mabimbin – maantala
- Mapawi – maparam, kumupas
- Pagsalakay – paglusob
- Palugid – pagpapaurong sa parusa
- Talumpati – panayam
Karagdagang Kaalaman
Buod ng Kabanata 32
Nabago ang mukha ng edukasyon sa bayan ng San Diego dahil sa nangyaring pagpapaskil/pagpapaskin. Halos wala ng mga magulang ang nagpapaaral ng kanilang mga anak. Habang bihira naman ang mga nakakapasa sa mga pagsusulit. Kabilang sa mga hindi pinalad na makapasa ay sina Makaraig, Juanito Pelaez, Pecson, at Tadeo. Natuwa pa si Tadeo na di siya nakapasa at sinunog pa ang mga libro nito. Nagmadali namang pumunta ng Europa si Makaraig habang si Juanito naman ay kasama ng ama nito sa kanilang negosyo.
Samantalang sina Isagani at Sandoval naman ay pinalad makapasa, habang si Basilio naman ay wala pang pagsusulit dahil nasa kulungan pa ito. Nabalitaan na rin ni Basilio ang nangyari kay Juli at ang nawawalang si Tandang Selo dahil kay Sinong na tanging dumadalaw kay sa kanya sa kulungan.
Napabalita ring ikakasal na si Juanito kay Paulita. Dahil doon ay magkakaroon umano ng isang piging na inaabangan na ng mga tao. Ito ang unang malaking pagtitipon matapos lumaganap ang takot sa kanilang bayan.
Aral
Ang paninira ng mga nasa kapangyarihan sa isang institusyon o sa isang gawi at mga gawain, nawawala ang kredibilidad nito kahit ang katotohanan ay nais lamang ng mga ito ang mapabuti, makatulong at mapaayos ang kalagayan ng kapwa.
Para sa Karagdagang Kaalaman
Mahahalagang Pangyayari ng Kabanata 32: brainly.ph/question/1347965
Mga Tauhan sa Kabanata 32: brainly.ph/question/526861
#LearnWithBrainly
Comments
Post a Comment