May Kilala Ka Ba Na Isang Batang Ina O Ama?Batay Sa Iyong Obserbasyon At Namamasid Sa Kanila, Nanaisin Mo Ba Ang Maging Isang Batang Ina O Ama?Bakit?

May kilala ka ba na isang batang ina o ama?Batay sa iyong obserbasyon at namamasid sa kanila, nanaisin mo ba ang maging isang batang ina o ama?Bakit?

Sa edad na 17, nabuntis ang isang taong malapit sa akin. Naalala ko, ako ay 12 taong gulang noon. At nakita ko sa kanya kung gaano kahirap maging isang batang ina.

Sa panahon ng pagiging kabataan, marami pa tayong puwedeng magawa. Marami pa tayong kailangang alamin at hanapin. Isa pa, bilang isang kabataan, kailangan pa na mag-aral sa paaralan at magsaya. Ngunit sa nangyari sa aking kakilala, tila nawala lahat iyon sa kanya. Kasiyahan, kaginhawahan at kalayaan ay mga bagay na nawala o naging limitado na lamang sa kanya. Dahil maaga siyang nagkaanak, hindi nya naranasan ng buo ang saya ng pagiging isang kabataan. Mas nagbigay pansin sya sa pagpapalaki sa kanyang anak at nagdusa. Lalo nat ang lalaking nakabuntis sa kanya ay hindi niya makasundo. Sa huli, naghiwalay sila. Kaya kita ko ang pagdurusa nya bilang isang batang ina. At hanggang ngayon ay pinagdudusahan nya pa din. Dahil nga siya ay isang single mother, nagiging hamon ang pagtatatrabaho at pag aalaga sa kanyang anak.

Yan ang bagay na hinding hindi ko nais tularan. Sapagkat ang pagiging isang ina o ama ay isang mabigat na responsibilidad. Hindi iyon madaling gawin at kinakailangan ng matinding atensyon. Kapag ang isa ay nabuntis o nakabuntis ng maaga lalo na sa panahon ng pagiging kabataan, magiging hadlang ito at magbibigay ng problema sa pag abot ng mga pangarap, magkakaroon ng limitasyon sa mga bagay-bagay, hindi masayang pag aasawa at hahanap-hanapin ang kasiyahan ng pagiging isang kabataan na hindi man lang naranasan.


Comments

Popular posts from this blog

Identify And Explain Some Of The Vital Considerations Needed To Know On The Different Methods To Mine A Mineral Deposit.

Ihanay Naman Ang Mga Trabaho/Occupational Environment Na Kaugnay Nito.