Ang Bawat Kalayaan Ay May Kaakibat Na Ano?
Ang bawat kalayaan ay may kaakibat na ano?
Ang BAWAT KALAYAAN ay may kaakibat na RESPONSIBILIDAD. Bakit? Dahil kapag ginamit mo ito sa masama man o mabuti, laging may roong resulta at depende sa mga resultang iyon ng iyong pagpapasiya ang magiging responsibilidad mo. Paano ito nangyayari? Tingnan muna natin ang negatibo at posibong mga resulta ng paggamit sa bawat kalayaan.
NEGATIBO
Halimbawa, ipinagpatuloy mo pa rin ang mabilis na pagmamaneho kahit na alam mong may masasagasaan ka. Oo, malaya kang magpasiya na gawin sana kung ano ang tama, ang huminto sandali at paunahin ang dumaraan sa kalsada pero pinili mo ang magmaneho ng mabilis. Ano ang naging resulta? Oo, isang malaking responsibilidad. Marami ang nasagasaan at kailangan mo silang tulungan hanggang sa gumaling. Mas malala pa, kung may roon namatay dahil sa maling desisyon mo.
POSITIBO
Halimbawa, sinikap mong magtapos ng pag-aaral at talagang ginawa mo ang buong makakaya mo para maabot ang mga pangarap mo. Ngayon, isa ka nang ganap na Nurse at Doctor. Malaya mong ginamit ang papasiya mo para piliin ang kursong iyon. Pero doon lang ba natatapos ang lahat? Hindi. Sa halip, maguumipisa ka pa lang ng isang mas malaking resonsibilidad. Pagaalaga sa mga may sakit, pag-oopera, pakikisama sa mga pasyente, pagbalanse ng pananagutan sa trabaho at sa pamilya.
Konklusyon: Ano man ang maging resulta ng paggamit mo sa bawat kalayaang magpasiya, may kaakibat lagi itong resposibilidad at talagang responsibidad mo ring harapin mga iyon sa tamang mga paraan.
Comments
Post a Comment