Magbigay Ng Mitolohiya Ng Pilipinas O Ng Mga Pilipino.

Magbigay ng mitolohiya ng pilipinas o ng mga Pilipino.

Answer:

Ang Sirena at si Santiago – Mitolohiya mula sa Pagadian

Explanation:

  Noong unang panahon, pinaniniwalaan ng mga ninuno natin ang mga sirena, mga mahiwagang nilalang na kalahating tao at kalahating isda. Patok rin noon ang pinag-uusapang gantimpala sa sinumang makakahuli ng sirena, patay man o buhay.

    Maraming siglo na ang nakaraan, mayroong namuhay na isang makisig na mangingisdang nagngangalang Santiago. Sa mga dagat ng Pagadian, siya ay nakikipagsapalaran kasama ang bawat alon ng tubig upang makarami ng huli kada araw.

     Isang hapon, habang siya'y nag-iisang nangingisda, mayroon siyang narining na napakagandang tinig. Sinundan niya ang boses hanggang natagpuan niya ang isang babaeng mahiwaga ang ganda sa likod ng mga malalaking bato. Hindi siya makapaniwala sa kanyang natanaw, mala-diyosang tinig at ganda ang angking galing ng babaeng ito. Ngunit mayroong napansin ang binata, mayroong buntot na parang isda ang dalagang nasa harap niya.

Nang napansin ng dalaga na may taong nakakita sa kanya, kinabahan ito at dali-daling lumangoy, ngunit nabihag niya ang puso ng lalaki na agad-agad din namang sumagwan para mahabol niya ito.

Nakumbinsi ni Santiagong mag-usap silang dalawa at dahil dito ay naging malapit sila sa isa't-isa. Nagpakilala naman ang sirenang si Clara sa binata. Pagkatapos nang nangyari, araw-araw na silang nagkikita at nag-uusap sa lugar na iyon hanggang sa nahulog sila sa isa't-isa.

     Nag-aminan ang dalawa sa kanilang dinaramdam at kalaunan ay naging magkasintahan na sila. Sa sobrang pagmamahal ni Santiago kay Clara ay naisipan niyang sumama sa kaharian ng kanyang mahal upang doon na manirahan. Noong una, hindi sumang-ayon si Clara sa gusto ng binata ngunit nagpumilit ito kaya't pumayag na lang siya.

    Pagkalipas ng tatlong araw ng hindi pag-uwi ni Santiago, nagtaka na ang kanyang pamilya at nagsimulang mangamba. Sa pag-aalala ay pinatawag ng kanyang mga magulang ang ibang mga mangigisda para hanapin ang kanilang anak.

    Sa kabilang dako ay naroon sina Santiago at Clara sa lugar na nakasanayan nilang puntahan, sa likod ng malaking bato kung saan silang unang nagkita. Nakikipaglaro ang magkasintahan sa mga isda nang biglang dumating ang grupo ng mga mangingisda na nagulat sa kanilang nakita. Sinulong nila ito dahil akala nila'y ginayuma niya si Santiago upang maging isa sa mga sinasabing bihag ng mga sirena. Agad namang pinrotektahan ng lalaki ang kanyang minamahal at sa kasamaang palad ay natamaan ito ng balsa at namatay. Sinikap ng sirenang makaalis ngunit naabutan din siya at sunod na pinatay.

Sinabi ng mga isda ang katsunami_1nilang nakitang marahas na pagpatay sa dalawa sa puno ng kaharian ng mga sirena na napuno ng galit kaya't gustong bigyan ng parusa ang mga tao upang matuto ang mga ito. Nagpakawala sila ng napakalakas na alon, o tinatawag na "tsunami" sa kasalukuyan, na naglunod at pumatay sa mga mangingisda at nagdulot ng malaking pagkakasira sa buong

lungsod ng Pagadian.

    Nag-iwan ang tsunaming ito ng isang bangin na nagsisilbing palatandaan sa kasakiman ng mga tao noon na nagdulot sa nangyari sa magkasintahan. Ngayon, naging napakabait na ng mga tao sa dagat, mga isda, sa kapwa nila, at hindi na mang-aapi ng sirena sakaling makakita sila nito.


Comments

Popular posts from this blog

Identify And Explain Some Of The Vital Considerations Needed To Know On The Different Methods To Mine A Mineral Deposit.

Ihanay Naman Ang Mga Trabaho/Occupational Environment Na Kaugnay Nito.