Pagmamahal Sa Diyos Talata
Pagmamahal sa Diyos talata
Pagmamahal sa Diyos
Marami sa atin ang palaging nasa loob ng simbahan, nakikinig sa turo at aral ng Dios. Subalit tila hindi makita ang busilak na puso na nais ng Panginoon para sa tao. Marapat na pahalagahan natin at isabuhay ang mga aral ng Dios. Sapagkat hindi batayan ang pagsimba tuwing Linggo upang maipakita ang pagmamahal sa Dios. Ito ay nasa pagsasabuhay at pananalig sa amang lumikha. Ang pagiging matapat sa Dios sa lahat ng panahon ay sapat na pamantayan ng pagpapakita ng pagmamahal sa kanya.
Para sa karagdagang impormasyon:
Comments
Post a Comment